2 Mga Hari 11

Ngunit iniligtas ni Jehoseba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosheba ay kapatid ni Ahazias at babaeng anak ni Haring Jehoram. Itinago niya si Joas at ang kanyang tagapag-alaga sa isang silid sa Templo, kaya hindi siya napatay ni Atalia.

2 Kings 11:2 (UKJV) But Jehosheba, the daughter of king Joram, sister of Ahaziah, took Joash the son of Ahaziah, and stole him from among the king's sons which were slain; and they hid him, even him and his nurse, in the bedchamber from Athaliah, so that he was not slain.

1Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias na hari ng Juda, nagpasya siyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng hari ng Juda.

2Ngunit iniligtas ni Jehoseba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosheba ay kapatid ni Ahazias at babaeng anak ni Haring Jehoram. Itinago niya si Joas at ang kanyang tagapag-alaga sa isang silid sa Templo, kaya hindi siya napatay ni Atalia.

3Sa loob ng anim na taon, doon nagtago sa Templo ng Panginoon si Joas at ang tagapag-alaga niya habang si Atalia ang namamahala sa kaharian at lupain.

4Nang ikapitong taon, ipinatawag ng paring si Jehoiada ang mga pinunong personal na tagapagbantay ng hari at mga guwardiya ng palasyo para papuntahin sa Templo ng Panginoon. Gumawa siya ng kasunduan sa kanila at sinumpaan nila ang mga ito roon sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ipinakita niya sa kanila ang anak ng hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.