2 Mga Hari 11

Nang ikapitong taon, ipinatawag ng paring si Jehoiada ang mga pinunong personal na tagapagbantay ng hari at mga guwardiya ng palasyo para papuntahin sa Templo ng Panginoon. Gumawa siya ng kasunduan sa kanila at sinumpaan nila ang mga ito roon sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ipinakita niya sa kanila ang anak ng hari.

2 Kings 11:4 (UKJV) And the seventh year Jehoiada sent and fetched the rulers over hundreds, with the captains and the guard, and brought them to him into the house of the LORD, and made a covenant with them, and took an oath of them in the house of the LORD, and showed them the king's son.

2Ngunit iniligtas ni Jehoseba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosheba ay kapatid ni Ahazias at babaeng anak ni Haring Jehoram. Itinago niya si Joas at ang kanyang tagapag-alaga sa isang silid sa Templo, kaya hindi siya napatay ni Atalia.

3Sa loob ng anim na taon, doon nagtago sa Templo ng Panginoon si Joas at ang tagapag-alaga niya habang si Atalia ang namamahala sa kaharian at lupain.

4Nang ikapitong taon, ipinatawag ng paring si Jehoiada ang mga pinunong personal na tagapagbantay ng hari at mga guwardiya ng palasyo para papuntahin sa Templo ng Panginoon. Gumawa siya ng kasunduan sa kanila at sinumpaan nila ang mga ito roon sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ipinakita niya sa kanila ang anak ng hari.

5Sinabi niya sa kanila, “Ito ang gagawin ninyo: Ang ikatlong bahagi ng mga nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga ang magbabantay sa palasyo ng hari.

6Ang isa pang ikatlong bahagi naman ang magbabantay sa Pintuan ng Sur. Ang isa pang grupo ang magbabantay sa pintuan ng palasyo para tumulong sa iba pang mga guwardiya na naroon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.