4Nang ikapitong taon, ipinatawag ng paring si Jehoiada ang mga pinunong personal na tagapagbantay ng hari at mga guwardiya ng palasyo para papuntahin sa Templo ng Panginoon. Gumawa siya ng kasunduan sa kanila at sinumpaan nila ang mga ito roon sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ipinakita niya sa kanila ang anak ng hari.
5Sinabi niya sa kanila, “Ito ang gagawin ninyo: Ang ikatlong bahagi ng mga nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga ang magbabantay sa palasyo ng hari.
6Ang isa pang ikatlong bahagi naman ang magbabantay sa Pintuan ng Sur. Ang isa pang grupo ang magbabantay sa pintuan ng palasyo para tumulong sa iba pang mga guwardiya na naroon.
7Ang dalawang grupo sa inyo na hindi nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga ang siyang magbabantay sa Templo ng Panginoon para ingatan ang hari.
8Dapat ninyong bantayang mabuti ang hari, dala ang inyong mga sandata, sundan nʼyo siya kahit saan siya magpunta. Patayin ninyo ang sinumang lalapit sa inyo.”