2 Mga Hari 10

Kaya ang mga namamahala sa palasyo, ang gobernador ng lungsod, mga tagapamahala at mga tagapag-alaga ng mga anak ng hari ay sumulat kay Jehu. Ito ang sinasabi sa sulat, “Mga lingkod nʼyo kami at gagawin namin ang lahat ng iuutos ninyo. Hindi kami pipili ng ibang hari; gawin nʼyo kung ano sa tingin ninyo ang pinakamabuti.”

2 Kings 10:5 (UKJV) And he that was over the house, and he that was over the city, the elders also, and the bringers up of the children, sent to Jehu, saying, We are your servants, and will do all that you shall bid us; we will not make any king: do you that which is good in yours eyes.

3Pumili kayo ng nararapat na maging hari sa mga anak ni Haring Ahab at makipaglaban kayo para sa angkan niya.”

4Ngunit labis silang natakot at sinabi, “Kung hindi natalo ng dalawang hari si Jehu, kami pa kaya?”

5Kaya ang mga namamahala sa palasyo, ang gobernador ng lungsod, mga tagapamahala at mga tagapag-alaga ng mga anak ng hari ay sumulat kay Jehu. Ito ang sinasabi sa sulat, “Mga lingkod nʼyo kami at gagawin namin ang lahat ng iuutos ninyo. Hindi kami pipili ng ibang hari; gawin nʼyo kung ano sa tingin ninyo ang pinakamabuti.”

6Sinagot sila ni Jehu sa pamamagitan ng pangalawang sulat: “Kung kakámpi ko kayo at handa kayong sumunod sa akin, pugutan ninyo ang mga anak ni Ahab at dalhin ninyo sa akin dito sa Jezreel bukas, sa ganito ring oras.” Inalagaan ng mga namumuno ng Samaria mula pagkabata ang pitumpong lalaking anak ni Haring Ahab.

7Pagdating ng sulat ni Jehu, pinatay nila ang pitumpong anak ng hari. Inilagay nila ang mga ulo nito sa mga basket at ipinadala kay Jehu sa Jezreel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.