5Kaya ang mga namamahala sa palasyo, ang gobernador ng lungsod, mga tagapamahala at mga tagapag-alaga ng mga anak ng hari ay sumulat kay Jehu. Ito ang sinasabi sa sulat, “Mga lingkod nʼyo kami at gagawin namin ang lahat ng iuutos ninyo. Hindi kami pipili ng ibang hari; gawin nʼyo kung ano sa tingin ninyo ang pinakamabuti.”
6Sinagot sila ni Jehu sa pamamagitan ng pangalawang sulat: “Kung kakámpi ko kayo at handa kayong sumunod sa akin, pugutan ninyo ang mga anak ni Ahab at dalhin ninyo sa akin dito sa Jezreel bukas, sa ganito ring oras.” Inalagaan ng mga namumuno ng Samaria mula pagkabata ang pitumpong lalaking anak ni Haring Ahab.
7Pagdating ng sulat ni Jehu, pinatay nila ang pitumpong anak ng hari. Inilagay nila ang mga ulo nito sa mga basket at ipinadala kay Jehu sa Jezreel.
8Nang dumating ang mensahero, sinabi niya kay Jehu, “Ipinadala nila ang mga ulo ng mga anak ng hari.” Pagkatapos, sinabi ni Jehu, “Itumpok ninyo sa dalawa ang mga ulo sa pintuan ng lungsod at iwanan doon hanggang umaga.”
9Kinaumagahan, lumabas si Jehu, tumayo sa harap ng mga tao at sinabi, “Wala kayong kasalanan. Ako ang nagplano laban sa aking amo at pumatay sa kanya. Ngunit sino ang pumatay sa kanilang lahat?