2 Mga Hari 10

Nang dumating ang mensahero, sinabi niya kay Jehu, “Ipinadala nila ang mga ulo ng mga anak ng hari.” Pagkatapos, sinabi ni Jehu, “Itumpok ninyo sa dalawa ang mga ulo sa pintuan ng lungsod at iwanan doon hanggang umaga.”

2 Kings 10:8 (UKJV) And there came a messenger, and told him, saying, They have brought the heads of the king's sons. And he said, Lay all of you them in two heaps at the entering in of the gate until the morning.

6Sinagot sila ni Jehu sa pamamagitan ng pangalawang sulat: “Kung kakámpi ko kayo at handa kayong sumunod sa akin, pugutan ninyo ang mga anak ni Ahab at dalhin ninyo sa akin dito sa Jezreel bukas, sa ganito ring oras.” Inalagaan ng mga namumuno ng Samaria mula pagkabata ang pitumpong lalaking anak ni Haring Ahab.

7Pagdating ng sulat ni Jehu, pinatay nila ang pitumpong anak ng hari. Inilagay nila ang mga ulo nito sa mga basket at ipinadala kay Jehu sa Jezreel.

8Nang dumating ang mensahero, sinabi niya kay Jehu, “Ipinadala nila ang mga ulo ng mga anak ng hari.” Pagkatapos, sinabi ni Jehu, “Itumpok ninyo sa dalawa ang mga ulo sa pintuan ng lungsod at iwanan doon hanggang umaga.”

9Kinaumagahan, lumabas si Jehu, tumayo sa harap ng mga tao at sinabi, “Wala kayong kasalanan. Ako ang nagplano laban sa aking amo at pumatay sa kanya. Ngunit sino ang pumatay sa kanilang lahat?

10Gusto kong malaman ninyo na matutupad ang lahat ng sinabi ng Panginoon laban sa pamilya ni Ahab. Tinupad ng Panginoon ang sinabi niya sa pamamagitan ng lingkod niyang si Elias.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.