17Pagkatapos, pinagawa ni Jehoiada ang hari at ang mga tao ng kasunduan sa Panginoon, na magiging mamamayan sila ng Panginoon. Gayon din ang ginawang kasunduan sa pagitan ng hari at ng mga tao na kanyang nasasakupan.
18Pumunta ang lahat ng tao sa templo ni Baal at giniba ito. Dinurog nila ang mga altar at mga diyos-diyosan doon, at pinatay nila si Matan na pari ni Baal sa harapan ng mga altar. Pagkatapos, naglagay si Jehoiada ng mga guwardiya sa Templo ng Panginoon.
19Isinama niya ang mga kumander ng mga sundalo, mga personal na tagapagbantay ng hari, mga guwardiya ng palasyo at ang lahat ng tao. Inihatid nila ang hari sa palasyo mula sa Templo ng Panginoon. Doon sila dumaan sa pintuan ng mga guwardiya. Pagkatapos, naupo ang hari sa kanyang trono.
20Nagdiwang ang mga tao at naging mapayapa ang lungsod matapos patayin si Atalia sa palasyo.
21Si Joas ay pitong taóng gulang nang maging hari.