2 Mga Hari 12

Hindi na sila hinihingan ng listahan kung paano ginastos ang pera, dahil tapat at mapagkakatiwalaan sila.

2 Kings 12:15 (UKJV) Moreover they reckoned not with the men, into whose hand they delivered the money to be bestowed on workmen: for they dealt faithfully.

13Hindi ginamit ang perang dinala sa Templo sa paggawa ng mga pilak na planggana, mga panggupit ng mitsa ng mga ilaw, mga mangkok, mga trumpeta o kahit anong gamit na ginto o pilak para sa Templo ng Panginoon.

14Ibinayad ang pera sa mga manggagawa ng Templo at sa mga materyales.

15Hindi na sila hinihingan ng listahan kung paano ginastos ang pera, dahil tapat at mapagkakatiwalaan sila.

16Ang perang ibinigay kasama ng mga handog para sa kasalanang di-sinasadya at ng mga handog para sa kasalanan ay hindi dinadala sa Templo ng Panginoon, dahil para ito sa mga pari.

17Nang panahong iyon, si Haring Hazael ng Aram ay lumusob sa Gat at nasakop ito. Pagkatapos, binalak din niyang lusubin ang Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.