2 Mga Hari 12

Ang perang ibinigay kasama ng mga handog para sa kasalanang di-sinasadya at ng mga handog para sa kasalanan ay hindi dinadala sa Templo ng Panginoon, dahil para ito sa mga pari.

2 Kings 12:16 (UKJV) The trespass money and sin money was not brought into the house of the LORD: it was the priests'.

14Ibinayad ang pera sa mga manggagawa ng Templo at sa mga materyales.

15Hindi na sila hinihingan ng listahan kung paano ginastos ang pera, dahil tapat at mapagkakatiwalaan sila.

16Ang perang ibinigay kasama ng mga handog para sa kasalanang di-sinasadya at ng mga handog para sa kasalanan ay hindi dinadala sa Templo ng Panginoon, dahil para ito sa mga pari.

17Nang panahong iyon, si Haring Hazael ng Aram ay lumusob sa Gat at nasakop ito. Pagkatapos, binalak din niyang lusubin ang Jerusalem.

18Tinipon ni Haring Joas ng Juda ang mga inihandog niya pati ang lahat ng bagay na inihandog para sa Panginoon ng mga ninuno niya na sina Jehoshafat, Jehoram at Ahazias na mga naging hari ng Juda. Ipinadala ni Joas ang lahat ng ito kay Hazael pati na ang lahat ng ginto na naroon sa bodega ng Templo ng Panginoon at ang mga nasa palasyo. Kaya hindi na lumusob si Hazael sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.