2 Mga Hari 12

Tinipon ni Haring Joas ng Juda ang mga inihandog niya pati ang lahat ng bagay na inihandog para sa Panginoon ng mga ninuno niya na sina Jehoshafat, Jehoram at Ahazias na mga naging hari ng Juda. Ipinadala ni Joas ang lahat ng ito kay Hazael pati na ang lahat ng ginto na naroon sa bodega ng Templo ng Panginoon at ang mga nasa palasyo. Kaya hindi na lumusob si Hazael sa Jerusalem.

2 Kings 12:18 (UKJV) And Jehoash king of Judah took all the hallowed things that Jehoshaphat, and Jehoram, and Ahaziah, his fathers, kings of Judah, had dedicated, and his own hallowed things, and all the gold that was found in the treasures of the house of the LORD, and in the king's house, and sent it to Hazael king of Syria: and he went away from Jerusalem.

16Ang perang ibinigay kasama ng mga handog para sa kasalanang di-sinasadya at ng mga handog para sa kasalanan ay hindi dinadala sa Templo ng Panginoon, dahil para ito sa mga pari.

17Nang panahong iyon, si Haring Hazael ng Aram ay lumusob sa Gat at nasakop ito. Pagkatapos, binalak din niyang lusubin ang Jerusalem.

18Tinipon ni Haring Joas ng Juda ang mga inihandog niya pati ang lahat ng bagay na inihandog para sa Panginoon ng mga ninuno niya na sina Jehoshafat, Jehoram at Ahazias na mga naging hari ng Juda. Ipinadala ni Joas ang lahat ng ito kay Hazael pati na ang lahat ng ginto na naroon sa bodega ng Templo ng Panginoon at ang mga nasa palasyo. Kaya hindi na lumusob si Hazael sa Jerusalem.

19Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Joas at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

20Sa bandang huli, nagplano ang mga opisyal niya laban sa kanya at pinatay siya sa Bet-milo sa daang papunta sa Sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.