9Nang mamatay si Joahaz, inilibing siya sa Samaria, sa libingan ng kanyang mga angkan. At ang anak niyang si Jehoas ang pumalit sa kanya bilang hari.
10Naging hari ng Israel ang anak ni Joahaz na si Jehoas nang ikatatlumpuʼt pitong taon ng paghahari ni Joas sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 16 na taon.
11Masama ang mga ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.
12Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoas at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pakikipaglaban kay Haring Amazias ng Juda ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
13Nang mamatay si Jehoas, inilibing siya sa libingan ng mga hari ng Israel sa Samaria. Ang anak niyang si Jeroboam II ang pumalit sa kanya bilang hari.