2 Mga Hari 13

Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoas at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pakikipaglaban kay Haring Amazias ng Juda ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

2 Kings 13:12 (UKJV) And the rest of the acts of Joash, and all that he did, and his might wherewith he fought against Amaziah king of Judah, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Israel?

10Naging hari ng Israel ang anak ni Joahaz na si Jehoas nang ikatatlumpuʼt pitong taon ng paghahari ni Joas sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 16 na taon.

11Masama ang mga ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.

12Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoas at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pakikipaglaban kay Haring Amazias ng Juda ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

13Nang mamatay si Jehoas, inilibing siya sa libingan ng mga hari ng Israel sa Samaria. Ang anak niyang si Jeroboam II ang pumalit sa kanya bilang hari.

14Nang magkasakit si Eliseo at malapit nang mamatay, pumunta sa kanya si Haring Joas noong buháy pa ito at umiyak. Sinabi ni Jehoas, “Ama ko! Ama ko! Ang mga karwahe at mangangabayo ng Israel!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.