2 Mga Hari 13

Pero kinahabagan at inalala sila ng Panginoon dahil sa pangako niya kina Abraham, Isaac, at Jacob. Hanggang ngayon, hindi niya ito winawasak o itinatakwil.

2 Kings 13:23 (UKJV) And the LORD was gracious unto them, and had compassion on them, and had respect unto them, because of his covenant with Abraham, Isaac, and Jacob, and would not destroy them, neither cast he them from his presence as yet.

21Minsan, may mga Israelita na naglilibing ng patay pero nang makita nila ang grupo ng mga Moabita na lumulusob, naihagis nila ang bangkay sa pinaglibingan kay Eliseo at sila ay tumakas. Nang sumagi ang bangkay sa mga buto ni Eliseo, nabuhay ang patay at tumayo.

22Pinahirapan ni Haring Hazael ng Aram ang Israel sa buong panahon ng paghahari ni Joahaz.

23Pero kinahabagan at inalala sila ng Panginoon dahil sa pangako niya kina Abraham, Isaac, at Jacob. Hanggang ngayon, hindi niya ito winawasak o itinatakwil.

24Namatay si Haring Hazael ng Aram, at ang anak niyang si Ben-hadad ang pumalit sa kanya bilang hari.

25Natalo ni Jehoas si Ben-hadad ng tatlong beses. Nabawi niya ang mga bayang kinuha ng ama ni Ben-hadad na si Hazael mula sa ama niyang si Joahaz nang maglaban ang mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.