2 Mga Hari 14

Nadakip ni Haring Jehoas ng Israel si Haring Amazias doon sa Bet-semes. Pagkatapos, pumunta siya sa Jerusalem at giniba ang pader ng lungsod mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Sulok na Pintuan, na mga animnaraang talampakan ang haba.

2 Kings 14:13 (UKJV) And Jehoash king of Israel took Amaziah king of Judah, the son of Jehoash the son of Ahaziah, at Bethshemesh, and came to Jerusalem, and brake down the wall of Jerusalem from the gate of Ephraim unto the corner gate, four hundred cubits.

11Subalit hindi nakinig si Amazias, kaya nilusob siya ni Haring Jehoas at ng mga sundalo nito. Naglaban sila sa Bet-semes na sakop ng Juda.

12Natalo ng Israel ang Juda, at ang bawat sundalo ng Juda ay tumakas pauwi sa kani-kanilang bahay.

13Nadakip ni Haring Jehoas ng Israel si Haring Amazias doon sa Bet-semes. Pagkatapos, pumunta siya sa Jerusalem at giniba ang pader ng lungsod mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Sulok na Pintuan, na mga animnaraang talampakan ang haba.

14Kinuha niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitan na nakita niya sa Templo ng Panginoon at kabang-yaman ng palasyo. Nagdala rin siya ng mga bihag pagbalik niya sa Samaria.

15Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoas, at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pakikipaglaban kay Haring Amazias ng Juda ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.