2 Mga Hari 14

Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoas, at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pakikipaglaban kay Haring Amazias ng Juda ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

2 Kings 14:15 (UKJV) Now the rest of the acts of Jehoash which he did, and his might, and how he fought with Amaziah king of Judah, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Israel?

13Nadakip ni Haring Jehoas ng Israel si Haring Amazias doon sa Bet-semes. Pagkatapos, pumunta siya sa Jerusalem at giniba ang pader ng lungsod mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Sulok na Pintuan, na mga animnaraang talampakan ang haba.

14Kinuha niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitan na nakita niya sa Templo ng Panginoon at kabang-yaman ng palasyo. Nagdala rin siya ng mga bihag pagbalik niya sa Samaria.

15Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoas, at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pakikipaglaban kay Haring Amazias ng Juda ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

16Nang mamatay si Jehoas, inilibing siya sa libingan ng mga hari ng Israel sa Samaria. At ang anak niyang si Jeroboam ang pumalit sa kanya bilang hari.

17Nabuhay pa si Haring Amazias ng Juda nang labinlimang taon matapos mamatay si Haring Jehoas ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.