16Nang mamatay si Jehoas, inilibing siya sa libingan ng mga hari ng Israel sa Samaria. At ang anak niyang si Jeroboam ang pumalit sa kanya bilang hari.
17Nabuhay pa si Haring Amazias ng Juda nang labinlimang taon matapos mamatay si Haring Jehoas ng Israel.
18Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Amazias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.
19May mga taga-Jerusalem na nagplanong patayin si Amazias. Kaya tumakas siya papunta sa bayan ng Laquis, pero nagpadala sila ng tao para sundan siya roon at patayin.
20Ikinarga sa kabayo ang bangkay niya pabalik sa Jerusalem at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David.