2 Mga Hari 14

May mga taga-Jerusalem na nagplanong patayin si Amazias. Kaya tumakas siya papunta sa bayan ng Laquis, pero nagpadala sila ng tao para sundan siya roon at patayin.

2 Kings 14:19 (UKJV) Now they made a conspiracy against him in Jerusalem: and he fled to Lachish; but they sent after him to Lachish, and slew him there.

17Nabuhay pa si Haring Amazias ng Juda nang labinlimang taon matapos mamatay si Haring Jehoas ng Israel.

18Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Amazias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

19May mga taga-Jerusalem na nagplanong patayin si Amazias. Kaya tumakas siya papunta sa bayan ng Laquis, pero nagpadala sila ng tao para sundan siya roon at patayin.

20Ikinarga sa kabayo ang bangkay niya pabalik sa Jerusalem at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David.

21Ipinalit ng mga taga-Juda si Azarias na anak ni Amazias bilang hari. Si Azarias ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.