19May mga taga-Jerusalem na nagplanong patayin si Amazias. Kaya tumakas siya papunta sa bayan ng Laquis, pero nagpadala sila ng tao para sundan siya roon at patayin.
20Ikinarga sa kabayo ang bangkay niya pabalik sa Jerusalem at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David.
21Ipinalit ng mga taga-Juda si Azarias na anak ni Amazias bilang hari. Si Azarias ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari.
22Muli niyang itinayo ang Elat at naging bahagi ulit ito ng Juda nang mamatay ang ama niyang si Amazias.
23Noong ikalabinlimang taon ng paghahari ni Amazias sa Juda, naging hari sa buong Israel ang anak ni Jehoas na si Jeroboam. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng apatnapuʼt isang taon.