2 Mga Hari 14

Noong ikalabinlimang taon ng paghahari ni Amazias sa Juda, naging hari sa buong Israel ang anak ni Jehoas na si Jeroboam. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng apatnapuʼt isang taon.

2 Kings 14:23 (UKJV) In the fifteenth year of Amaziah the son of Joash king of Judah Jeroboam the son of Joash king of Israel began to reign in Samaria, and reigned forty and one years.

21Ipinalit ng mga taga-Juda si Azarias na anak ni Amazias bilang hari. Si Azarias ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari.

22Muli niyang itinayo ang Elat at naging bahagi ulit ito ng Juda nang mamatay ang ama niyang si Amazias.

23Noong ikalabinlimang taon ng paghahari ni Amazias sa Juda, naging hari sa buong Israel ang anak ni Jehoas na si Jeroboam. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng apatnapuʼt isang taon.

24Masama ang mga ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.

25Nabawi niya ang mga teritoryo ng Israel sa pagitan ng Lebo-hamat hanggang sa Dagat na Patay tulad ng ipinangako ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa pamamagitan ng anak ni Amitai na si Propeta Jonas na taga-Gat-hefer.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.