2 Mga Hari 14

Nabawi niya ang mga teritoryo ng Israel sa pagitan ng Lebo-hamat hanggang sa Dagat na Patay tulad ng ipinangako ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa pamamagitan ng anak ni Amitai na si Propeta Jonas na taga-Gat-hefer.

2 Kings 14:25 (UKJV) He restored the coast of Israel from the entering of Hamath unto the sea of the plain, according to the word of the LORD God of Israel, which he spoke by the hand of his servant Jonah, the son of Amittai, the prophet, which was of Gathhepher.

23Noong ikalabinlimang taon ng paghahari ni Amazias sa Juda, naging hari sa buong Israel ang anak ni Jehoas na si Jeroboam. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng apatnapuʼt isang taon.

24Masama ang mga ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.

25Nabawi niya ang mga teritoryo ng Israel sa pagitan ng Lebo-hamat hanggang sa Dagat na Patay tulad ng ipinangako ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa pamamagitan ng anak ni Amitai na si Propeta Jonas na taga-Gat-hefer.

26Niloob ng Panginoon na mangyari ito dahil nakita niya ang paghihirap ng mga Israelita, alipin man o hindi, at walang sinumang makakatulong sa kanila.

27Dahil sinabi ng Panginoon na hindi niya aalisin ang Israel sa mundo, kaya iniligtas niya ang mga Israelita sa pamamagitan ni Jeroboam na anak ni Jehoas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.