24Masama ang mga ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.
25Nabawi niya ang mga teritoryo ng Israel sa pagitan ng Lebo-hamat hanggang sa Dagat na Patay tulad ng ipinangako ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa pamamagitan ng anak ni Amitai na si Propeta Jonas na taga-Gat-hefer.
26Niloob ng Panginoon na mangyari ito dahil nakita niya ang paghihirap ng mga Israelita, alipin man o hindi, at walang sinumang makakatulong sa kanila.
27Dahil sinabi ng Panginoon na hindi niya aalisin ang Israel sa mundo, kaya iniligtas niya ang mga Israelita sa pamamagitan ni Jeroboam na anak ni Jehoas.
28Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jeroboam, at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pagbawi niya sa Damasco at Hamat na sakop noon ng Juda, ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.