2 Mga Hari 14

Siya ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang siyaʼy maghari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt siyam na taon. Ang kanyang ina ay si Jehoadin na taga-Jerusalem.

2 Kings 14:2 (UKJV) He was twenty and five years old when he began to reign, and reigned twenty and nine years in Jerusalem. And his mother's name was Jehoaddan of Jerusalem.

1Noong ikalawang taon ng paghahari ni Jehoas na anak ni Joahaz sa Israel, si Amazias naman na anak ni haring Joas ay naghari sa Juda.

2Siya ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang siyaʼy maghari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt siyam na taon. Ang kanyang ina ay si Jehoadin na taga-Jerusalem.

3Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, ngunit hindi kapantay ng ginawa ni David na kanyang ninuno. Sa halip, sinunod niya ang halimbawa ng kanyang amang si Joas.

4Hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng insenso roon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.