1Noong ikalawang taon ng paghahari ni Jehoas na anak ni Joahaz sa Israel, si Amazias naman na anak ni haring Joas ay naghari sa Juda.
2Siya ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang siyaʼy maghari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt siyam na taon. Ang kanyang ina ay si Jehoadin na taga-Jerusalem.
3Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, ngunit hindi kapantay ng ginawa ni David na kanyang ninuno. Sa halip, sinunod niya ang halimbawa ng kanyang amang si Joas.
4Hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng insenso roon.
5Nang matatag na ang paghahari ni Amazias, ipinapatay niya ang mga opisyal na pumatay sa kanyang amang hari.