2 Mga Hari 15

Siya ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng limampuʼt dalawang taon. Ang ina niya ay si Jecolias na taga-Jerusalem.

2 Kings 15:2 (UKJV) Sixteen years old was he when he began to reign, and he reigned two and fifty years in Jerusalem. And his mother's name was Jecholiah of Jerusalem.

1Noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Amazias na si Azarias.

2Siya ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng limampuʼt dalawang taon. Ang ina niya ay si Jecolias na taga-Jerusalem.

3Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng ama niyang si Amazias.

4Ngunit hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng mga insenso roon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.