1Noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Amazias na si Azarias.
2Siya ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng limampuʼt dalawang taon. Ang ina niya ay si Jecolias na taga-Jerusalem.
3Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng ama niyang si Amazias.
4Ngunit hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng mga insenso roon.
5Binigyan siya ng Panginoon ng malubhang sakit sa balat, na hindi gumaling hanggang sa araw nang kamatayan niya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo ng Juda at sa mga mamamayan.