2 Mga Hari 15

Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawang kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito.

2 Kings 15:28 (UKJV) And he did that which was evil in the sight of the LORD: he departed not from the sins of Jeroboam the son of Nebat, who made Israel to sin.

26Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Pekaya at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

27Noong ikalimampuʼt dalawang taon ng paghahari ni Azarias sa Juda, naging hari ng Israel ang anak ni Remalias na si Peka. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng dalawampung taon.

28Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawang kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito.

29Noong panahon ng paghahari ni Peka, nilusob ni Haring Tiglat-pileser ng Asiria ang Israel at nasakop niya ang mga lungsod ng Ijon, Abel-bet-maaca, Janoa, Kedes at Hazor. Nasakop din niya ang Gilead, Galilea at ang buong lupain ng Neftali. At dinala niya sa Asiria ang mga naninirahan dito bilang mga bihag.

30Pagkatapos, nagplano ng masama ang anak ni Elah na si Hosea laban sa anak ni Remalias na si Peka. Pinatay niya si Peka at pinalitan bilang hari. Nangyari ito nang ikadalawampung taon ng paghahari ng anak ni Uzias na si Jotam sa Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.