2 Mga Hari 15

Pagkatapos, nagplano ng masama ang anak ni Elah na si Hosea laban sa anak ni Remalias na si Peka. Pinatay niya si Peka at pinalitan bilang hari. Nangyari ito nang ikadalawampung taon ng paghahari ng anak ni Uzias na si Jotam sa Juda.

2 Kings 15:30 (UKJV) And Hoshea the son of Elah made a conspiracy against Pekah the son of Remaliah, and stroke him, and slew him, and reigned in his position, in the twentieth year of Jotham the son of Uzziah.

28Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawang kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito.

29Noong panahon ng paghahari ni Peka, nilusob ni Haring Tiglat-pileser ng Asiria ang Israel at nasakop niya ang mga lungsod ng Ijon, Abel-bet-maaca, Janoa, Kedes at Hazor. Nasakop din niya ang Gilead, Galilea at ang buong lupain ng Neftali. At dinala niya sa Asiria ang mga naninirahan dito bilang mga bihag.

30Pagkatapos, nagplano ng masama ang anak ni Elah na si Hosea laban sa anak ni Remalias na si Peka. Pinatay niya si Peka at pinalitan bilang hari. Nangyari ito nang ikadalawampung taon ng paghahari ng anak ni Uzias na si Jotam sa Juda.

31Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Peka, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

32Noong ikalawang taon ng paghahari ng anak ni Remalias na si Peka sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Uzias na si Jotam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.