2 Mga Hari 15

Noong ikalawang taon ng paghahari ng anak ni Remalias na si Peka sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Uzias na si Jotam.

2 Kings 15:32 (UKJV) In the second year of Pekah the son of Remaliah king of Israel began Jotham the son of Uzziah king of Judah to reign.

30Pagkatapos, nagplano ng masama ang anak ni Elah na si Hosea laban sa anak ni Remalias na si Peka. Pinatay niya si Peka at pinalitan bilang hari. Nangyari ito nang ikadalawampung taon ng paghahari ng anak ni Uzias na si Jotam sa Juda.

31Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Peka, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

32Noong ikalawang taon ng paghahari ng anak ni Remalias na si Peka sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Uzias na si Jotam.

33Siya ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-anim na taon. Ang ina niya ay si Jerusa na anak ni Sadoc.

34Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng ama niyang si Uzias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.