2 Mga Hari 15

Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Azarias, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

2 Kings 15:6 (UKJV) And the rest of the acts of Azariah, and all that he did, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Judah?

4Ngunit hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng mga insenso roon.

5Binigyan siya ng Panginoon ng malubhang sakit sa balat, na hindi gumaling hanggang sa araw nang kamatayan niya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo ng Juda at sa mga mamamayan.

6Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Azarias, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

7Nang mamatay si Azarias, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jotam ang pumalit sa kanya bilang hari.

8Noong ika-38 taon ng paghahari ni Azarias sa Juda, naging hari ng Israel ang anak ni Jeroboam na si Zacarias. Tumira siya sa Samaria at naghari siya sa loob ng anim na buwan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.