2 Mga Hari 15

Noong ika-38 taon ng paghahari ni Azarias sa Juda, naging hari ng Israel ang anak ni Jeroboam na si Zacarias. Tumira siya sa Samaria at naghari siya sa loob ng anim na buwan.

2 Kings 15:8 (UKJV) In the thirty and eighth year of Azariah king of Judah did Zachariah the son of Jeroboam reign over Israel in Samaria six months.

6Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Azarias, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

7Nang mamatay si Azarias, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jotam ang pumalit sa kanya bilang hari.

8Noong ika-38 taon ng paghahari ni Azarias sa Juda, naging hari ng Israel ang anak ni Jeroboam na si Zacarias. Tumira siya sa Samaria at naghari siya sa loob ng anim na buwan.

9Masama ang mga ginawa niya sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng mga ninuno niya. Sumunod siya sa mga ginawang kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.

10Nagplano ng masama ang anak ni Jabes na si Salum laban kay Zacarias. Pinatay niya si Zacarias sa harap ng mga tao at siya ang pumalit bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.