1Noong nang ikalabimpitong taon ng paghahari ng anak ni Remalias na si Peka sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Jotam na si Ahaz.
2Si Ahaz ay dalawampung taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-anim na taon. Gumawa siya ng hindi tama sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos, hindi katulad ng ginawa ng kanyang ninuno na si David.
3Sumunod siya sa pamumuhay ng mga naging hari ng Israel, at kahit ang kanyang anak ay inihandog niya sa apoy. Ginaya niya ang mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.