2 Mga Hari 16

Si Ahaz ay dalawampung taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-anim na taon. Gumawa siya ng hindi tama sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos, hindi katulad ng ginawa ng kanyang ninuno na si David.

2 Kings 16:2 (UKJV) Twenty years old was Ahaz when he began to reign, and reigned sixteen years in Jerusalem, and did not that which was right in the sight of the LORD his God, like David his father.

1Noong nang ikalabimpitong taon ng paghahari ng anak ni Remalias na si Peka sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Jotam na si Ahaz.

2Si Ahaz ay dalawampung taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-anim na taon. Gumawa siya ng hindi tama sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos, hindi katulad ng ginawa ng kanyang ninuno na si David.

3Sumunod siya sa pamumuhay ng mga naging hari ng Israel, at kahit ang kanyang anak ay inihandog niya sa apoy. Ginaya niya ang mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

4Nag-alay siya ng mga handog at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar, sa ibabaw ng bundok at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.