2 Mga Hari 16

Nagsugo ng mga mensahero si Ahaz para sabihin kay Haring Tiglat-pileser ng Asiria, “Lingkod mo ako at kakampi. Iligtas mo ako sa mga kamay ng hari ng Aram at ng hari ng Israel na lumulusob sa akin.”

2 Kings 16:7 (UKJV) So Ahaz sent messengers to Tiglathpileser king of Assyria, saying, I am your servant and your son: come up, and save me out of the hand of the king of Syria, and out of the hand of the king of Israel, which rise up against me.

5Nakipaglaban sina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka ng Israel kay Ahaz. Nilusob nila ang Jerusalem pero hindi nila ito nasakop.

6Nang panahong iyon, nabawi ni Haring Rezin ng Aram ang Elat sa pamamagitan ng pagpapalayas niya sa mga mamamayan ng Juda. At pumunta ang mga Arameo roon para manirahan at doon sila nakatira hanggang ngayon.

7Nagsugo ng mga mensahero si Ahaz para sabihin kay Haring Tiglat-pileser ng Asiria, “Lingkod mo ako at kakampi. Iligtas mo ako sa mga kamay ng hari ng Aram at ng hari ng Israel na lumulusob sa akin.”

8Kinuha ni Ahaz ang pilak at ginto sa Templo ng Panginoon at mga kabang-yaman sa palasyo at ipinadala ito bilang regalo sa hari ng Asiria.

9Pumayag ang hari ng Asiria sa kahilingan ni Ahaz, kaya nilusob niya ang Damasco at sinakop ito. Dinala niya sa Kir ang mga naninirahan dito bilang mga bihag at pinatay niya si Rezin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.