2 Mga Hari 18

Kaya nagpadala ng mensahe si Haring Ezequias ng Juda sa hari ng Asiria sa Laquis: “Tinatanggap kong akoʼy nagkamali ako at nangangakong ibibigay ko ang kahit anong hihilingin mo, umalis ka lamang.” Kaya pinagbayad ng hari ng Asiria si Haring Ezequias ng mga sampung toneladang pilak at isang toneladang ginto.

2 Kings 18:14 (UKJV) And Hezekiah king of Judah sent to the king of Assyria to Lachish, saying, I have offended; return from me: that which you put on me will I bear. And the king of Assyria appointed unto Hezekiah king of Judah three hundred talents of silver and thirty talents of gold.

12Nangyari ito sa mga taga-Israel dahil hindi sila sumunod sa Panginoon na kanilang Diyos. Nilabag nila ang kanyang kasunduan at hindi sumunod sa lahat ng utos na ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ng lingkod niyang si Moises. Hindi nila pinakinggan o sinunod ang mga utos nito.

13Noong ikalabing-apat na taon ng paghahari ni Ezequias, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang lahat ng napapaderang lungsod ng Juda at sinakop ito.

14Kaya nagpadala ng mensahe si Haring Ezequias ng Juda sa hari ng Asiria sa Laquis: “Tinatanggap kong akoʼy nagkamali ako at nangangakong ibibigay ko ang kahit anong hihilingin mo, umalis ka lamang.” Kaya pinagbayad ng hari ng Asiria si Haring Ezequias ng mga sampung toneladang pilak at isang toneladang ginto.

15Ibinigay ni Ezequias ang lahat ng pilak na nasa Templo ng Panginoon at ang nasa kabang-yaman ng palasyo.

16Sa mga panahong iyon, ipinatanggal ni Ezequias ang mga ginto na nakabalot sa mga pintuan at hamba ng Templo ng Panginoon at ibinigay niyang lahat sa hari ng Asiria.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.