13Noong ikalabing-apat na taon ng paghahari ni Ezequias, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang lahat ng napapaderang lungsod ng Juda at sinakop ito.
14Kaya nagpadala ng mensahe si Haring Ezequias ng Juda sa hari ng Asiria sa Laquis: “Tinatanggap kong akoʼy nagkamali ako at nangangakong ibibigay ko ang kahit anong hihilingin mo, umalis ka lamang.” Kaya pinagbayad ng hari ng Asiria si Haring Ezequias ng mga sampung toneladang pilak at isang toneladang ginto.
15Ibinigay ni Ezequias ang lahat ng pilak na nasa Templo ng Panginoon at ang nasa kabang-yaman ng palasyo.
16Sa mga panahong iyon, ipinatanggal ni Ezequias ang mga ginto na nakabalot sa mga pintuan at hamba ng Templo ng Panginoon at ibinigay niyang lahat sa hari ng Asiria.
17Isinugo ng hari ng Asiria ang pinuno ng mga kumander niya, mga punong opisyal, at ang kumander ng mga sundalo niya, kasama ang napakaraming sundalo mula sa Laquis para harapin si Haring Ezequias sa Jerusalem. Tumigil sila malapit sa may daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig kung saan naglalaba ang mga tao.