2 Mga Hari 18

Isinugo ng hari ng Asiria ang pinuno ng mga kumander niya, mga punong opisyal, at ang kumander ng mga sundalo niya, kasama ang napakaraming sundalo mula sa Laquis para harapin si Haring Ezequias sa Jerusalem. Tumigil sila malapit sa may daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig kung saan naglalaba ang mga tao.

2 Kings 18:17 (UKJV) And the king of Assyria sent Tartan and Rabsaris and Rabshakeh from Lachish to king Hezekiah with a great host against Jerusalem. And they went up and came to Jerusalem. And when they were come up, they came and stood by the conduit of the upper pool, which is in the highway of the launderer's field.

15Ibinigay ni Ezequias ang lahat ng pilak na nasa Templo ng Panginoon at ang nasa kabang-yaman ng palasyo.

16Sa mga panahong iyon, ipinatanggal ni Ezequias ang mga ginto na nakabalot sa mga pintuan at hamba ng Templo ng Panginoon at ibinigay niyang lahat sa hari ng Asiria.

17Isinugo ng hari ng Asiria ang pinuno ng mga kumander niya, mga punong opisyal, at ang kumander ng mga sundalo niya, kasama ang napakaraming sundalo mula sa Laquis para harapin si Haring Ezequias sa Jerusalem. Tumigil sila malapit sa may daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig kung saan naglalaba ang mga tao.

18Ipinatawag nila si Haring Ezequias, pero ang pinapunta ng hari ay sina Eliakim na anak ni Hilkias, na namamahala ng palasyo, Shebna na kalihim at Joa na anak ni Asaf, na namamahala sa mga kasulatan sa kaharian.

19Sinabi sa kanila ng kumander ng mga sundalo, “Sabihin nʼyo kay Ezequias na ito ang sinasabi ng makapangyarihang hari ng Asiria: “ ‘Ano ba ang ipinagmamalaki mo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.