2 Mga Hari 18

Sinabi sa kanila ng kumander ng mga sundalo, “Sabihin nʼyo kay Ezequias na ito ang sinasabi ng makapangyarihang hari ng Asiria: “ ‘Ano ba ang ipinagmamalaki mo?

2 Kings 18:19 (UKJV) And Rabshakeh said unto them, Speak all of you now to Hezekiah, Thus says the great king, the king of Assyria, What confidence is this wherein you trust?

17Isinugo ng hari ng Asiria ang pinuno ng mga kumander niya, mga punong opisyal, at ang kumander ng mga sundalo niya, kasama ang napakaraming sundalo mula sa Laquis para harapin si Haring Ezequias sa Jerusalem. Tumigil sila malapit sa may daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig kung saan naglalaba ang mga tao.

18Ipinatawag nila si Haring Ezequias, pero ang pinapunta ng hari ay sina Eliakim na anak ni Hilkias, na namamahala ng palasyo, Shebna na kalihim at Joa na anak ni Asaf, na namamahala sa mga kasulatan sa kaharian.

19Sinabi sa kanila ng kumander ng mga sundalo, “Sabihin nʼyo kay Ezequias na ito ang sinasabi ng makapangyarihang hari ng Asiria: “ ‘Ano ba ang ipinagmamalaki mo?

20Sinasabi mong maabilidad at malakas ang mga sundalo mo, pero walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo at nagrerebelde ka sa akin?

21Ang Ehipto ba? Ang bansang ito at ang hari nito ay parang nabaling tambo na nakakasugat sa kamay kapag ginamit mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.