2 Mga Hari 18

Ang Ehipto ba? Ang bansang ito at ang hari nito ay parang nabaling tambo na nakakasugat sa kamay kapag ginamit mo.

2 Kings 18:21 (UKJV) Now, behold, you trust upon the staff of this bruised reed, even upon Egypt, on which if a man lean, it will go into his hand, and pierce it: so is Pharaoh king of Egypt unto all that trust on him.

19Sinabi sa kanila ng kumander ng mga sundalo, “Sabihin nʼyo kay Ezequias na ito ang sinasabi ng makapangyarihang hari ng Asiria: “ ‘Ano ba ang ipinagmamalaki mo?

20Sinasabi mong maabilidad at malakas ang mga sundalo mo, pero walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo at nagrerebelde ka sa akin?

21Ang Ehipto ba? Ang bansang ito at ang hari nito ay parang nabaling tambo na nakakasugat sa kamay kapag ginamit mo.

22Maaari ninyong sabihin na nagtitiwala kayo sa Panginoon na inyong Diyos, pero hindi baʼt ikaw din Ezequias ang nagpagiba ng mga sambahan niya sa matataas na lugar pati ng mga altar nito. At sinabi mo pa sa mga nakatira sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda na sumamba sila sa nag-iisang altar doon sa Jerusalem?’

23“Ngayon inaalok ka ng aking amo, ang hari ng Asiria. Bibigyan ka namin ng 2,000 kabayo kung may 2,000 ka ring mangangabayo!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.