21Ang Ehipto ba? Ang bansang ito at ang hari nito ay parang nabaling tambo na nakakasugat sa kamay kapag ginamit mo.
22Maaari ninyong sabihin na nagtitiwala kayo sa Panginoon na inyong Diyos, pero hindi baʼt ikaw din Ezequias ang nagpagiba ng mga sambahan niya sa matataas na lugar pati ng mga altar nito. At sinabi mo pa sa mga nakatira sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda na sumamba sila sa nag-iisang altar doon sa Jerusalem?’
23“Ngayon inaalok ka ng aking amo, ang hari ng Asiria. Bibigyan ka namin ng 2,000 kabayo kung may 2,000 ka ring mangangabayo!
24Hindi ka mananalo kahit pa ang pinakamababang opisyal ng aking amo ang iharap ko saʼyo! Umaasa ka lang naman sa Ehipto na bibigyan ka nito ng mga karwahe at mangangabayo.
25Iniisip mo bang hindi ako inutusan ng Panginoon na pumunta rito? Ang Panginoon mismo ang nag-utos sa akin na lusubin at lipulin ang bansang ito.”