2 Mga Hari 18

Sinasabi mong maabilidad at malakas ang mga sundalo mo, pero walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo at nagrerebelde ka sa akin?

2 Kings 18:20 (UKJV) You says, (but they are but vain words,) I have counsel and strength for the war. Now on whom do you trust, that you rebel against me?

18Ipinatawag nila si Haring Ezequias, pero ang pinapunta ng hari ay sina Eliakim na anak ni Hilkias, na namamahala ng palasyo, Shebna na kalihim at Joa na anak ni Asaf, na namamahala sa mga kasulatan sa kaharian.

19Sinabi sa kanila ng kumander ng mga sundalo, “Sabihin nʼyo kay Ezequias na ito ang sinasabi ng makapangyarihang hari ng Asiria: “ ‘Ano ba ang ipinagmamalaki mo?

20Sinasabi mong maabilidad at malakas ang mga sundalo mo, pero walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo at nagrerebelde ka sa akin?

21Ang Ehipto ba? Ang bansang ito at ang hari nito ay parang nabaling tambo na nakakasugat sa kamay kapag ginamit mo.

22Maaari ninyong sabihin na nagtitiwala kayo sa Panginoon na inyong Diyos, pero hindi baʼt ikaw din Ezequias ang nagpagiba ng mga sambahan niya sa matataas na lugar pati ng mga altar nito. At sinabi mo pa sa mga nakatira sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda na sumamba sila sa nag-iisang altar doon sa Jerusalem?’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.