2 Mga Hari 18

Nasakop ni Ezequias ang Filistia hanggang sa Gaza at mga hangganan nito, mula sa mga bantayang tore hanggang sa napapaderang lungsod.

2 Kings 18:8 (UKJV) He stroke the Philistines, even unto Gaza, and the borders thereof, from the tower of the watchmen to the fenced city.

6Nanatili siyang tapat sa Panginoon at hindi siya tumalikod sa kanya. Sinunod niya ang mga utos na ibinigay ng Panginoon kay Moises.

7Sumakanya ang Panginoon kaya nagtagumpay siya sa lahat ng ginawa niya. Nagrebelde siya sa hari ng Asiria at hindi niya ito pinaglingkuran.

8Nasakop ni Ezequias ang Filistia hanggang sa Gaza at mga hangganan nito, mula sa mga bantayang tore hanggang sa napapaderang lungsod.

9Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Ezequias, na siyang ikapitong taon ng paghahari ni Hosea sa Israel, lumusob si Haring Shalmanaser ng Asiria sa Israel at sinimulang paligiran ang bayan ng Samaria.

10Pagkalipas ng tatlong taon, sa ikaanim na taon ng paghahari ni Ezequias at ikasiyam na taon ng paghahari ni Hosea, nasakop ng Asiria ang Samaria.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.