8Nasakop ni Ezequias ang Filistia hanggang sa Gaza at mga hangganan nito, mula sa mga bantayang tore hanggang sa napapaderang lungsod.
9Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Ezequias, na siyang ikapitong taon ng paghahari ni Hosea sa Israel, lumusob si Haring Shalmanaser ng Asiria sa Israel at sinimulang paligiran ang bayan ng Samaria.
10Pagkalipas ng tatlong taon, sa ikaanim na taon ng paghahari ni Ezequias at ikasiyam na taon ng paghahari ni Hosea, nasakop ng Asiria ang Samaria.
11Binihag ng hari ng Asiria ang mga Israelita sa Asiria at dinala sila sa lungsod ng Hala, sa mga lugar na malapit sa Ilog ng Habor sa Gozan at sa mga bayan ng Media at doon pinatira.
12Nangyari ito sa mga taga-Israel dahil hindi sila sumunod sa Panginoon na kanilang Diyos. Nilabag nila ang kanyang kasunduan at hindi sumunod sa lahat ng utos na ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ng lingkod niyang si Moises. Hindi nila pinakinggan o sinunod ang mga utos nito.