2 Mga Hari 18

Binihag ng hari ng Asiria ang mga Israelita sa Asiria at dinala sila sa lungsod ng Hala, sa mga lugar na malapit sa Ilog ng Habor sa Gozan at sa mga bayan ng Media at doon pinatira.

2 Kings 18:11 (UKJV) And the king of Assyria did carry away Israel unto Assyria, and put them in Halah and in Habor by the river of Gozan, and in the cities of the Medes:

9Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Ezequias, na siyang ikapitong taon ng paghahari ni Hosea sa Israel, lumusob si Haring Shalmanaser ng Asiria sa Israel at sinimulang paligiran ang bayan ng Samaria.

10Pagkalipas ng tatlong taon, sa ikaanim na taon ng paghahari ni Ezequias at ikasiyam na taon ng paghahari ni Hosea, nasakop ng Asiria ang Samaria.

11Binihag ng hari ng Asiria ang mga Israelita sa Asiria at dinala sila sa lungsod ng Hala, sa mga lugar na malapit sa Ilog ng Habor sa Gozan at sa mga bayan ng Media at doon pinatira.

12Nangyari ito sa mga taga-Israel dahil hindi sila sumunod sa Panginoon na kanilang Diyos. Nilabag nila ang kanyang kasunduan at hindi sumunod sa lahat ng utos na ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ng lingkod niyang si Moises. Hindi nila pinakinggan o sinunod ang mga utos nito.

13Noong ikalabing-apat na taon ng paghahari ni Ezequias, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang lahat ng napapaderang lungsod ng Juda at sinakop ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.