15Pagkatapos, nanalangin siya, “Panginoon, Diyos ng Israel na nakaupo sa trono sa pagitan ng mga kerubin, kayo lang po ang Diyos na namamahala sa lahat ng kaharian dito sa mundo. Nilikha ninyo ang langit at lupa.
16Panginoon, pakinggan nʼyo po at tingnan ang mga nangyayari. O Diyos na buháy, narinig nʼyo ang mga sinabi ni Senaquerib na paglapastangan sa inyo.
17Panginoon, totoo po na nilipol ng mga hari ng Asiria ang maraming bansa.
18Winasak nila ang mga diyos-diyosan nila sa pamamagitan ng pagtapon ng mga ito sa apoy. Dahil hindi po ito mga totoong diyos kundi mga bato at kahoy lang na ginawa ng tao.
19Kaya, Panginoon naming Diyos, iligtas po ninyo kami sa kamay ng Asiria, para malaman ng lahat ng kaharian dito sa mundo na kayo lang, Panginoon, ang Diyos.”