2 Mga Hari 19

Panginoon, pakinggan nʼyo po at tingnan ang mga nangyayari. O Diyos na buháy, narinig nʼyo ang mga sinabi ni Senaquerib na paglapastangan sa inyo.

2 Kings 19:16 (UKJV) LORD, bow down yours ear, and hear: open, LORD, yours eyes, and see: and hear the words of Sennacherib, which has sent him to reproach the living God.

14Kinuha ni Ezequias ang sulat mula sa mensahero at binasa niya ito. Pumunta siya sa Templo ng Panginoon at inilapag ang sulat sa presensya ng Panginoon.

15Pagkatapos, nanalangin siya, “Panginoon, Diyos ng Israel na nakaupo sa trono sa pagitan ng mga kerubin, kayo lang po ang Diyos na namamahala sa lahat ng kaharian dito sa mundo. Nilikha ninyo ang langit at lupa.

16Panginoon, pakinggan nʼyo po at tingnan ang mga nangyayari. O Diyos na buháy, narinig nʼyo ang mga sinabi ni Senaquerib na paglapastangan sa inyo.

17Panginoon, totoo po na nilipol ng mga hari ng Asiria ang maraming bansa.

18Winasak nila ang mga diyos-diyosan nila sa pamamagitan ng pagtapon ng mga ito sa apoy. Dahil hindi po ito mga totoong diyos kundi mga bato at kahoy lang na ginawa ng tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.