2 Mga Hari 19

Kinuha ni Ezequias ang sulat mula sa mensahero at binasa niya ito. Pumunta siya sa Templo ng Panginoon at inilapag ang sulat sa presensya ng Panginoon.

2 Kings 19:14 (UKJV) And Hezekiah received the letter of the hand of the messengers, and read it: and Hezekiah went up into the house of the LORD, and spread it before the LORD.

12Nailigtas ba ang mga bansang ito ng diyos nila? Ang mga lungsod ng Gozan, Haran, Reshef at ang mga mamamayan ng Eden na nasa Tel Asar ay nilipol ng mga ninuno ko.

13May nagawa ba ang hari ng Hamat, Arpad, Sefarvaim, Hena at Iva?”

14Kinuha ni Ezequias ang sulat mula sa mensahero at binasa niya ito. Pumunta siya sa Templo ng Panginoon at inilapag ang sulat sa presensya ng Panginoon.

15Pagkatapos, nanalangin siya, “Panginoon, Diyos ng Israel na nakaupo sa trono sa pagitan ng mga kerubin, kayo lang po ang Diyos na namamahala sa lahat ng kaharian dito sa mundo. Nilikha ninyo ang langit at lupa.

16Panginoon, pakinggan nʼyo po at tingnan ang mga nangyayari. O Diyos na buháy, narinig nʼyo ang mga sinabi ni Senaquerib na paglapastangan sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.