2 Mga Hari 19

Nailigtas ba ang mga bansang ito ng diyos nila? Ang mga lungsod ng Gozan, Haran, Reshef at ang mga mamamayan ng Eden na nasa Tel Asar ay nilipol ng mga ninuno ko.

2 Kings 19:12 (UKJV) Have the gods of the nations delivered them which my fathers have destroyed; as Gozan, and Haran, and Rezeph, and the children of Eden which were in Thelasar?

10“Huwag kang magpaloko sa inaasahan mong Diyos kapag sinabi niya, ‘Hindi ipapaubaya ang Jerusalem sa kamay ng hari ng Asiria.’

11Makinig ka! Narinig mo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa halos lahat ng bansa. Nilipol sila nang lubusan. Sa palagay mo ba makakaligtas ka?

12Nailigtas ba ang mga bansang ito ng diyos nila? Ang mga lungsod ng Gozan, Haran, Reshef at ang mga mamamayan ng Eden na nasa Tel Asar ay nilipol ng mga ninuno ko.

13May nagawa ba ang hari ng Hamat, Arpad, Sefarvaim, Hena at Iva?”

14Kinuha ni Ezequias ang sulat mula sa mensahero at binasa niya ito. Pumunta siya sa Templo ng Panginoon at inilapag ang sulat sa presensya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.