26Ang mga mamamayan ay nawalan ng lakas. Natakot sila at napahiya. Para silang mga damo sa parang na madaling malanta, o mga damong tumutubo sa bubungan ng bahay na pagkatapos tumubo ay nalanta rin agad.
27Pero alam ko ang lahat tungkol sa iyo, kung saan ka nananatili, kung saan ka galing, kung saan ka pupunta, at kung gaano katindi ang galit mo sa akin.
28Dahil narinig ko ang galit mo at ang pagmamayabang sa akin, lalagyan ko ng kawit ang ilong mo, at bubusalan ko ang bibig mo, at hihilahin ka pabalik sa iyong pinagmulan, sa daan na iyong tinahak.’ ”
29Sinabi pa ni Isaias kay Ezequias, “Ito ang palatandaan para saʼyo, Ezequias: Sa taóng ito, ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumutubo lang ang kakainin ninyo, at sa susunod na taon ang mga bunga naman ng mga tanim na tumubo mula sa dating tanim. Ngunit sa ikatlong taon, makakapagtanim na kayo at makakaani. Makakapagtanim na rin kayo ng mga ubas at makakakain ng mga bunga nito.
30At ang mga natirang buháy sa Juda ay muling uunlad, katulad ng tanim na nagkakaugat nang malalim at namumunga.