2 Mga Hari 19

Sinabi pa ni Isaias kay Ezequias, “Ito ang palatandaan para saʼyo, Ezequias: Sa taóng ito, ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumutubo lang ang kakainin ninyo, at sa susunod na taon ang mga bunga naman ng mga tanim na tumubo mula sa dating tanim. Ngunit sa ikatlong taon, makakapagtanim na kayo at makakaani. Makakapagtanim na rin kayo ng mga ubas at makakakain ng mga bunga nito.

2 Kings 19:29 (UKJV) And this shall be a sign unto you, All of you shall eat this year such things as grow of themselves, and in the second year that which springs of the same; and in the third year sow all of you, and reap, and plant vineyards, and eat the fruits thereof.

27Pero alam ko ang lahat tungkol sa iyo, kung saan ka nananatili, kung saan ka galing, kung saan ka pupunta, at kung gaano katindi ang galit mo sa akin.

28Dahil narinig ko ang galit mo at ang pagmamayabang sa akin, lalagyan ko ng kawit ang ilong mo, at bubusalan ko ang bibig mo, at hihilahin ka pabalik sa iyong pinagmulan, sa daan na iyong tinahak.’ ”

29Sinabi pa ni Isaias kay Ezequias, “Ito ang palatandaan para saʼyo, Ezequias: Sa taóng ito, ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumutubo lang ang kakainin ninyo, at sa susunod na taon ang mga bunga naman ng mga tanim na tumubo mula sa dating tanim. Ngunit sa ikatlong taon, makakapagtanim na kayo at makakaani. Makakapagtanim na rin kayo ng mga ubas at makakakain ng mga bunga nito.

30At ang mga natirang buháy sa Juda ay muling uunlad, katulad ng tanim na nagkakaugat nang malalim at namumunga.

31Sapagkat may mga matitirang buháy na mangangalat mula sa Jerusalem, sa Bundok ng Zion. Titiyakin ng Panginoon ng mga Hukbo na itoʼy magaganap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.