29Sinabi pa ni Isaias kay Ezequias, “Ito ang palatandaan para saʼyo, Ezequias: Sa taóng ito, ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumutubo lang ang kakainin ninyo, at sa susunod na taon ang mga bunga naman ng mga tanim na tumubo mula sa dating tanim. Ngunit sa ikatlong taon, makakapagtanim na kayo at makakaani. Makakapagtanim na rin kayo ng mga ubas at makakakain ng mga bunga nito.
30At ang mga natirang buháy sa Juda ay muling uunlad, katulad ng tanim na nagkakaugat nang malalim at namumunga.
31Sapagkat may mga matitirang buháy na mangangalat mula sa Jerusalem, sa Bundok ng Zion. Titiyakin ng Panginoon ng mga Hukbo na itoʼy magaganap.
32“Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Asiria: Hindi siya makakapasok sa lungsod ng Jerusalem, ni hindi makakapana kahit isang palaso rito. Hindi siya makakalapit na may pananggalang o kayaʼy mapapaligiran ang lungsod para lusubin ito.
33Babalik siya sa pinanggalingan niya, sa daan na kanyang tinahak. Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing hindi siya makakapasok sa lungsod na ito.